Listahan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga: ‘Nakakasuka’ – Palasyo
Ganito inilarawan ni Communications Secretary Martin Andanar ang listahan ng mga opisyal ng pamahalaan at ng pulisya na umano’y may kinalaman o sangkot sa mga sindikato ng ilgal na droga.
Ayon kay Andanar, nakita na niya ang matrix at nakakagulat na ganoon na karami ang mga hinihinalang sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Aniya, nasa 1.8 milyong katao ang sangkot ngayon sa iligal na droga base sa talaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dagdag pa ni Andanar, muling mag-aanunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte ng iba pang mga pangalan ng mga “persons of interest” kaugnay sa iligal na droga.
Matatandaang noong July 5 ay pinangalanan ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng pulis at gobyerno na aniya’y sangkot sa bentahan ng iligal na droga o kaya ay protektor ng mga drug lords.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.