1 pulis patay sa pag-atake sa police station sa Armenia

By Kabie Aenlle July 18, 2016 - 12:02 AM

yerevan armeniaPatay ang isang pulis, habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamahan at na-hostage pa ang ilan sa isang police station sa Yerevan, Armenia.

Ito’y makaraang sugurin ng mga miyembro ng rebeldeng grupo sa Armenia ang police station sa Erebuni district sa Yerevan para palayain ng mga otoridad ang kanilang pinuno na si Jirair Sefilian.

Si Sefilian ay naaresto noong nakaraang buwan lamang matapos nitong tangkaing pabagsakin ang gobyerno ng Armenia.

Kinordonan na ng mga pulis ang lugar sa paligid ng nasabing police station.

Ayon sa kanilang National Security Service, nagsasagawa na ng negosasyon sa mga umatakeng armadong kalalakihan para palayain ang kanilang mga hostages.

Ayon naman sa isang mataas na opisyal ng pulis na tumangging magpakilala dahil sa kawalan ng otorisasyon na magsalita tungkol sa isyu, aabot sa 20 ang mga umatake sa pulisya at nasa walo ang hawak nilang hostage.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.