Durian Candy, may bacteria

July 16, 2015 - 04:02 PM

Kinumpirma ng Food and Drugs Administration (FDA) na kinakitaan ng Staphylococcus bacteria ang durian candy na nakalason sa mga estudyante sa CARAGA Region.

Sa press conference sa Department of Health, sinabi ni FDA Acting Deputy Director General Maria Lourdes Santiago posibleng sa taong gumawa o nag repack ng candy nanggaling ang nasabing bacteria.

Nagsagawa aniya sila ng testing na may kaugnayan sa microtoxins pero negatibo ang resulta nito.

Samantala, ayon naman kay Health Secretary Janet Garin inaantay pa nila ang resulta ng isinagawang pagsususuri kung kontaminado ng pestisidyo ang mga candy.

Sinabi ni Garin na nahirapan din sila sa isang brand ng candy dahil sa mas kakaunti ang samples kaya hindi ganoon kadaling suriin.

Sa halos 2,000 nalason ng candy, sinabi ng kalihim na isa na lamang ang nananatili sa ospital at malapit na rin itong makalabas. / Erwin Aguilon

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.