Clearing ops sa mga bangketa sa Muntinlupa, ipinatupad
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ang clearing operations sa mga bangketa at kalsada ng kanilang lungsod.
Ayon kay Senior Supt. Teresita Salvadora, pinagtatanggal na ang mga tindahan sa bangketa at pati ang mga sasakyang iligal na naka-parada sa kalsada.
Nilinaw ni Salvadora sa publiko na nakasaad sa batas na wala dapat nakasagabal sa isang metrong lapad ng mga bangketa upang madaanan ito nang maayos ng mga pedestrians.
Unang isinailalim sa clearing operations ang gitnang bahagi ng service road sa ilalim ng Alabang viaduct na nagmukha nang talipapa dahil sa dami ng mga tindahan.
Nagalit naman ang mga tindero at tindera dahil ayon sa kanila, sinuportahan nila si Mayor Jaime Fresnedi ngunit mukhang wala naman silang napala.
Inaayos naman na ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na mabigyan ng mga programang pangkabuhayan ang mga nagtitinda na naapektuhan ng clearing operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.