Mister patay matapos ‘pisakin’ ni misis ang pagkalalake nito

By Inquirer.net, Jay Dones July 15, 2016 - 04:29 AM

 

Mula sa inquirer.net

Napatay ng isang babaeng Vietnamese ang kanyang mister matapos nitong ‘pisakin’ ang ‘itlog’ o testicles nito.

Iniimbestigahan ng mga otoridad ang suspek na si Phan Thi Kim Chuong, 55-anyos matapos masawi dahil sa ‘suffocation’ ang biktimang si Lee Khim Kai, 53-anyos sanhi ng matinding pagkakapisil ng kanyang misis sa kanyang pagkalalalki.

Sa imbestigayon, galit na sumugod ang biktima sa bahay ng kanyang misis sa Tien Giang village sa souterhn Vietnam upang komprontahin ito.

Napag-alamang kakahiwalay lamang ng misis sa kanyang mister.

Dito na nagtalo ang dalawa hanggang sa humantong sa pananakit ng biktima sa suspek na misis.

Sa galit, nadaklot ng misis ang ari ng mister at todo-todong ‘piniga’ ito na dahilan upang makaranas ito ng matinding sakit hanggang sa mawalan ng malay.

Limang minuto na umanong dakma ng misis ang pagkalalaki ng mister bago ito nakumbinsi ng mga rumespondeng kapitbahay na ito ay bitawan.

Bagamat isinugod pa sa pagamutan, idineklara itong dead on arrival sanhi ng pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.