Presidential Debate Commission, isinusulong

July 16, 2015 - 03:43 PM

Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing
Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing/Inquirer file photo

Sa gitna ng lalong umiinit na usapin ukol sa 2016 Presidential Elections, isang panukalang batas ang ikinukunsidera ng House Committee on Government Reorganization na layong magtatag ng tatawaging “Presidential Debate Commission” o PDC.

Sa House Bill 5269, binigyang-diin ng may-akda na si Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing na nararapat na masaksihan ng mga Pilipino kung paano ipi-prisenta ng bawat kandidato ang kani-kanilang plataporma at mga programa, at paano sasagutin ang mga “global issues” na nakakaapekto sa bansa.

Punto pa ni Suansing, ang Article 3, Section 7 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad ang karapatan ng mga tao sa impormasyon sa mga “public concern,” na kasing halaga ng right to suffrage.

Sa ilalim ng panukala, oobligahin ng PDC ang lahat ng Presidential at Vice Presidential candidates na makibahagi sa mga debate, upang matulungan ang mga botante sa kanilang pagpapasya kung sino ang ihahalal.

Ang PDC rin ang magtatakda ng petsa ng debate ng mga Kandidato; magsusumite ng reports na nag-eevaluate sa ginawang debate; at magbuo ng “guidelines” para sa adoption ng best format na gagamitin sa debate.

Ang mga miyembro ng PDC ay kinabibilangan ng: tig-isang appointed ng House Speaker at House Majority Leader; tig-isa ring appointed ng Senate President at Senate Majority Leader; at dalawang appointed ng Presidente ng bansa, na mula naman sa listahan ng nominees ng dalawang dominant political parties.

Ang mga PDC members ay maaaring mag-mula sa public o private sector; national o local government officers o employees; miyembro ng academe, non profit organizations o iba pang interesadong indibidwal./ Isa Avendaño-Umali

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.