DepEd, DSWD at DOH, nanguna sa may pinakalamaking pondo sa 2017 proposed budget

By Chona Yu, Len Montaño July 14, 2016 - 04:26 PM

Logos

Irerekomenda ng Department of Budget and Management kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 3.35 trillon pesos na National budget para sa taong 2017.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang panukalang 2017 national budget ay mas mataas ng 11.6 percent sa kasalukuyang pondo ng bansa.

Malaking bahagi pa rin ng proposed national budget sa susunod na taon ang nakalaan sa Department of Education.

Tiniyak ni Diokno na ang National budget sa ilalim ng administrasyon Duterte ay istriktong susundin ang ruling ng Korte Suprema sa Disbursement Acceleration Program o DAP.

Aabot aniya sa 118 bilyong piso ang ilalaan para sa konstruksyon ng mga silid aralan.

Mas mataas aniya ito ng 44 percent kumpara sa kasalukuyang budget.

Bukod sa DepEd, makakukuha rin ng malaking pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na may 54.9 bilyong piso.

Target ng 4Ps na makuha ang 4.4 milyong mahihirap na pamilya.

Aabot naman sa 17.9 bilyong piso ang inilaan para sa 2.8 milyong senior citizens na saklaw naman ng social pension for indigent senior Filipino citizens.

Samantala, sinabi ni Diokno na aabot naman sa 50 bilyong piso ang inilaan para sa government subsidy sa health insurance premium payment ng indigent families.

Mas mataas aniya ito ng 15 percent kumpara sa kasalukuyang budget.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.