Dating VP Binay handang harapin ang kaso; Ombudsman tinawag na “protector ng LP”

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2016 - 10:43 AM

Morales and BinayHanda si dating Vice President Jejomar Binay na harapin ang mga kasong isinampa sa kaniya ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Ayon sa tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado, handa ang dating bise president na linisin ang kaniyang pangalan sa isang patas na venue.

Tinawag din ng kampo ng dating bise presidente na “protektor ng Liberal Party”.

Naniniwala si Salgado na taktika ito ng Ombudsman para malihis ang galit ng taumbayan sa mga opisyal ng LP.

“Kahit nagpalit na ng administrasyon ay ipinapakita pa rin ng Ombudsman na sya ay protektor ng Liberal Party. Para malihis galit ng taumbayan sa kanyang mga patron,inatupag ng Ombudsman ang paghahain ng palyadong kaso laban kay exVP Binay,” ani Salgado.

Kasabay nito, hinamon ng dating bise presidente si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sagutin din ang P200 million na damage suit na kaniyang isinampa laban dito sa Makati Regional Trial Court.

 

TAGS: Binay camp slams Ombudsman for filing graft case vs former Vice President, Binay camp slams Ombudsman for filing graft case vs former Vice President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.