2nd fuel price hike ipagpaliban dahil sa Israel-Iraq ceasefire – Sen. Marcos

By Jan Escosio June 24, 2025 - 03:12 PM

PHOTO: Imee Marcos FOR STORY: 2nd fuel price hike ipagpaliban dahil sa Israel-Iraq ceasefire – Sen. Marcos
Sen. Imee Marcos —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Hiniling ni Sen. Imee Marcos ns ipagpaliban ang muling pagtaas sa Huwebes ng presyo ng mga produktong petrolyo sa katuwiran na nagkasundo na ng tigil-putukan ang Iran at Israel.

Sinabi ni Marcos na dapat intindihin ang mga magiging epekto ng mataas na presyo ng mga produkto ng langis.

Binanggit niya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kasabay nito ang kanyang apila sa gobyerno na ipagpatuloy ang paghahanda dahil hindi pa nawawala ang tensyon sa Gitnang Silangan.

BASAHIN: Poe: P2.5-B kasama sa 2025 national budget para sa fuel subsidy

Naunang inanunsyo ni US President Donald Trump na nagkasundo ang Israel at Iran ng “total ceasefire” para wakasan na ang halos dalawang linggong digmaan.

Kahapon, pumayag ang mga koimpanya ng langis na hatiin sa dalawang araw ang dapat na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: fuel prices, Imee Marcos, Israel-Iran war, fuel prices, Imee Marcos, Israel-Iran war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.