Pagbibigay ng P1,000 senior universal pension, fake news – solon

METRO MANILA, Philippines —Panloloko sa senior citizens ang pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa P1,000 universal monthly pension.
Ito ang iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes dahil “fake news” na sisimulan na ang pamamahagi ng buwanang pensyon sa lahat ng nasa edad 60 pataas.
Sa katunayan, dinagdag pa ni Ordanes, hindi pa batas ang panukalang pensyon.
BASAHIN: 15% senior’s discount sa kuryente, tubig lusot sa Kamara
Kumalat sa social media ang anunsiyo hinggil sa pamamahagi ng P1,000 kada buwan o P3,000 kada tatlong buwan sa pamamagitan ng National Commission of Senior Citizens.
Pinuna din ni Ordanes na ang maling anunsiyo ay inuugnay sa website ng NCSC.
Nagpalabas na rin ng pahayag ang NCSC na pinabubulaanan ang anunsyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.