
METRO MANILA, Philippines — Kumpleto na ang 20,000 na posisyon para sa karagdagang guro sa mga pampublikong paaralan.
Kasunod ito nang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa 4,000 na bagong guro matapos ang unang naaprubahan na 16,000 na posisyon noong nakaraang buwan.
Ang mga karagdagang posisyon para sa Salary Grade 11 na teaching position ay hiniling ng Department of Education (DepEd).
BASAHIN: Marcos kinausap mga guro sa pagpapabuti ng education system
Sa 4,000 na mga bagong posisyon, 1,658 ay para sa kindergarten at elementarya; 391 ay para sa junior high school, at 1,951 ay para sa senior high school.
“Parte pa rin po ito ng hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos na madagdagan ang ating mga guro at matutukan nang mabuti ang mga estudyante. Ang sabi po n’ya, tulung-tulong lahat ng ahensya lalo na sa pagbubukas muli ng mga klase sa bansa. So, that’s what we’re doing,” sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Nabatid na ang pagkuha ng mga bagong guro ay napondohan sa pondo ngayon taon ng DepEd.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.