China, broken-hearted pero nananatiling matatag at malakas – Banlaoi

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2016 - 09:16 AM

spratlysMatapos na paburan ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang Pilipinas sa usapin ng sigalot sa South China Sea o West Philippine Sea, broken-hearted umano ang China.

Gayunman, ayon kay National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi, sa kabila ng dagok, nananatiling matatag at malakas ang China.

“Heart-broken sila ang China ngayon, pero still firm and strong,” sinabi ni Banlaoi sa panayam ng Radyo Inquirer.

Mas mabuti ayon kay Banlaoi na sa halip na dagdagan o paigtingin pa ang nararamdaman ng China ay makipag-usap na lamang sa kanila ang pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Banlaoi, dahil tangan naman ng Pilipinas ang legal at moral victory, mas makabubuting tayo na lang ang mag-reach out sa China para sa negosasyon.

Sa huli, hindi naman na maitatanggi na nakapagtala na ng kasaysayan ang Pilipinas bilang bansa na nagwagi sa legal battle kontra China.

Malaking pabor ayon kay Banlaoi ang ibinigay ng tribunal sa Pilipinas lalo na nang sabihin nitong walang basehan ang historical claim ng China.

Pero ayon kay Banlaoi, kahit sinabi ng tribunal na may pagkakamali sa panig ng China sa ginawa nilang mga aktibidad sa Mischief reef, hindi aniya dapat asahan ng Pilipinas na aalisin nila ang mga naitayo nang istraktura.

“Nagbuild na ng artificial island ang China sa Mischief reef, hindi na lang legal question yan, political question na iyan. Hindi natin mae-expect na aalisin ng China ang straktura nila doon. Tingin ko dapat maging open na din tayo sa bilateral negotiations,” dagdag pa ni Banlaoi.

 

 

TAGS: Permanent Court of Arbitration on sea dispute, Permanent Court of Arbitration on sea dispute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.