Ruiz, Aguda muling itinalaga ni Marcos sa PCO, DICT

By Jan Escosio June 17, 2025 - 03:29 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Ruiz, Aguda muling itinalaga ni Marcos sa PCO, DICT
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Matapos hindi makalusot sa Commission on Appointments (CA), muli na lamang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dalawa sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang reappointnment nina acting Presidential Communications Secretary Jay Ruiz at Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda.

Humarap ang dalawa sa CA sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso noong ika-3 ng Hunyo ngunit ipinagpaliban ang ag-apruba sa kanilang ad interim  appointment dahil kapos na sa oras.

BASAHIN: Remulla brothers, Gibo Teodoro mananatili sa Marcos Cabinet

Tanging sina Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro at Housing Secretary Jose Ramon Aliling ang pinagtibay ang ad intermin appointment.

Kinumpirma naman ni Bersamin ang pagbibitiw sa puwesto ni Communication Senior Usec. Ana Puod at aniya ito ay boluntaryong ginawa ng huli.

May 17 pang opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) ang tinanggap ni Marcos ang pagbibitiw.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Henry Aguda, Jay Ruiz, Ferdinand Marcos Jr., Henry Aguda, Jay Ruiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub