Ex-Rep. Arnie Teves sumakit ang tiyan, isinugod sa ospital

METRO MANILA, Philippines — Namilipit na sa sobrang sakit ng tiyan si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kayat isinugod siya sa ospital.
Ito ang sinabi nitong Martes ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson, Supt. Jayrex Bustinera.
Aniya, 7 p.m. kagabi nang dumaing ng pananakit ng tiyan si Teves kayat binigyan ito ng gamot.
BASAHIN: Ex-Rep. Teves illipat ng NBI sa Taguig City mula sa NBP
Nang hindi bumuti ang kanyang kondisyon, inirekomenda na ng doktor ng BJMP na isugod na si Teves sa pinakamalapit na pampublikong ospital mula sa kanyang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Patong-patong ng mga kasong kriminal ang kinahaharap ni Teves sa mga korte sa Maynila, Quezon City at Negros Oriental partikular na ang mga nag-ugat sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.