P20/kg na bigas mabibili na ng minimum wage earners – DOLE, DA

METRO MANILA, Philippines — Simula ngayon araw ng Biyernes makakabili na ang minimum wage earners sa bansa ng P20 kada kilogram ng bigas na inaalok ng gobyerno.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na pagtupad ito sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang mga pangunahing pagkain ng mga Filipino.
“Yun naman ang gusto ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr., na ang lahat ay makinabang. Napakalaking bagay kung ang isang minimum wage earner ay makabibili ng bigas na P20 per kilo. Kung 10 kilo ang pwedeng bilihin, mayroon siyang P100 o P200 na pwede niyang namang ma-ukol sa ibang bilihin,” sabi naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
BASAHIN: Marcos tiwalang magtuloy-tuloy bentahan ng P20/kg na bigas
Noong nakaraang Mayo, nagkasundo ang DA at DOLE na ialok na rin sa minimum wage earners ang murang bigas.
Higit 500 establisyemento sa buong bansa ang magbebenta ng murang bigas sa minimum wager earners at tiwala si Laguesma na madadagdagan pa ang bilang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.