Desisyon ng PCA, ‘final and binding’ – Jardeleza

By Kabie Aenlle July 13, 2016 - 04:35 AM

 

Inquirer file photo

Iginiit ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na “final and binding” na ang inilabas na desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration (PCA) sa kaso ng pang-aagaw ng teritoryo ng China sa West Philippine Sea.

Ayon pa kay Jardeleza, ang nasabing desisyon ay magbibigay rin ng malaking bentahe sa administrasyong Duterte para maipagpatuloy ang mga negosasyon sa mga claimants sa mga teritoryo sa South China Sea.

Kinatigan ng arbitral tribunal ang halos lahat ng mga isinumite ng Pilipinas kabilang na ang kawalan ng legal na basehan ng iginigiit na nine dash line ng China.

Si Jardeleza ang namuno sa delegasyon ng Pilipinas sa mga arbitration proceedings. Samantala, nanawagan naman si Vice President Leni Robredo sa parehong panig na respetuhin ang naging desisyon ng arbitral tribunal.

Masaya aniya siya sa naging desisyon ng (PCA), at pinasalamatan ang delegasyon ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands na pawang binubuo ng mga appointees at miyembro ng Gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.