Barangay, SK elections posibleng tuloy sa Disyembre – Escudero

METRO MANILA, Philippines — May posibilidad na matuloy na ang itinakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na ika-1 ng Disyembre.
Ito ang ibinahagi ni Senate President Francis Escudero, at aniya ito ang naging usap-usapan sa nakalipas na Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) meeting.
Dinagdag pa ni Escudero na naging tampok din sa pulong ang pagtatakda ng apat na taon na termino ng barangay officials.
Ngunit nilinaw ng senador na hindi pa rin tiyak na matutuloy ang eleksyon dahil maaring magpasa pa ang Senado at Kamara ng panukalang-batas para sa pagpapaliban nito.
Ang huling Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay naganap noong Oktubre 2023 matapos maipagpaliban mula sa unang naitakdang petsa na Disyembre 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.