Imee Marcos: Itinutulak ako na maging Senate president

METRO MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na may mga kapwa senador na lumapit at kumukumbinsi sa kanya na pamunuan ang Senado.
Sinabi nito, sinuman ang mamumuno sa Senado sa 20th Congress kailangan na magkaroon ng mga reporma sa Kongreso partikular na sa pagtalakay sa pambansang pondo.
“Tigilan na ang mahiwagang bicam. The right priorities in spending, considering our recurring fiscal deficits, and huge indebtedness must be legislated — [including] food security and support to our farmers and fishermen; education; health and truly necessary social services,” ani Marcos.
BASAHIN: Dela Rosa duda sa Marcos reconciliation sa mga Duterte
Sinabi din niya na kapag naisumite na sa Kongreso ng Malakanyang ang National Expenditure Program, dapat ay dumistansya na ang ehekutibo.
Dapat aniya magkaroon ng reporma sa proseso ng eleksyon upang hindi ito magamit ng mga may ambisyon sa mas mataas na posisyon.
Ipinagdiinan din ni Marcos na dapat ay manatiling tindependent ang Senado at mangibabaw ang pagsusulong ng pambansang interes.
Ikinukunsidera ng bahagi ng tinatawag na Duterte Bloc si Marcos kasama sina Sens. Christopher Go, Robinhood Padilla, at Ronald dela Rosa — gayundin si Senator-elect Rodante Marcoleta.
Pang labing-dalawa si Marcos sa mga naihalal na senador na matatapos ang termino sa 2028.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.