International drug group nasa likod ng floating shabu lab ayon sa PNP
Kumbinsido ang Philippine National Police Anti-illegal Drugs Group (PNP-AIDG) na konektado sa isang international drug syndicate ang apat na nahuling mga Chinese nationals sa Subic Zambales kagabi.
Ayon kay Supt. Enrico Rigor, hepe ng Legal and Investigation Division ng AIDG, hindi malayong konektado sa malaking Chinese drug syndicate ang apat na nakilalang sina Shu Fook Leung 49-anyos, Kam Wah Kwok, 47-year-old, Wing Fai Lo, 42-taong gulang at Kwok Tung Chan, 29-anyos.
Ani Rigor, isa sa apat na naarestong suspect ay marami nang naikutang mga bansa at umabot pa sa Europa na posibleng may kinalaman sa kanilang operasyon sa ipinagbabawal na gamot.
Sa inisyal na impormasyon naman ng AIDG, umiikot umano ang pinaghihinalaang floating shabu lab sa mga area ng Cagayan, Pangasinan, Ilocos at iba pang lugar ng Luzon.
Nasa pangangalaga na ng Philippine Coast Guard sa kasalukuyan ang floating shabu lab na naglalaman ng tinatawag na hydrogenerator o makinang ginagamit sa paggawa ng shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.