DA, DTI sanib puwersa kontra pagtaas ng presyo ng imported rice

By Jan Escosio January 08, 2025 - 02:51 PM

PHOTO: Stock image of rice grains and stalk FOR STORY: DA, DTI sanib puwersa kontra pagtaas ng presyo ng bigas
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagtatakda ng maximum suggested retail price (MSRP) sa imported rice.

Ikinukunsidera ang pagtatakda ng MSRP para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng inaangkat na bigas.

Naniniwala si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na kapag may MSRP sa mga imported rice bababa na rin ang halaga ng iba pang mga produktong pang-agrikultura na nagmumula sa ibang bansa, tulad ng gulay at karne.

BASAHIN: Sen. Cynthia Villar hindi bilib sa pangakong P20 per kg na bigas

Idinagdag pa ng kalihim na layunin ng plano na bigyan lamang ng makatuwiran na kita o tubo ang mga rice importer.

Ayon naman kay Trade Secretary Cristina Roque layon ng plano na mapagaan ang gastusin ng mga konsyumer.

Sabi pa ni Roque, pag-aaralan ng kanyang tanggapan ang mga regulasyon sa “sale and labeling” ng mga produkto at kung ang mga ito ay maaring ipatupad sa bigas.

TAGS: Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, rice prices, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, rice prices

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.