Dalawang malakas na lindol, magkasunod na naitala sa Ecuador
Nakapagtala ng dalawang magkasunod na malalakas na pagyanig sa Ecuador alas 10:00 ng umaga, ng Lunes, oras sa Pilipinas.
Unang naitala ng U.S. Geological Survey ang magnitude 6.5 na lindol sa 25 kilometers northwest ng Quininde, Ecuador alas 10:01 ng umaga sa Pilipinas alas 9:01 naman ng gabi sa Ecuador.
Sa record ng Geophysical Institute ng Ecuador, naitala ang pagyanig sa magnitude 5.9 na nagdulot ng pag-uga ng mga gusali at naramdaman sa halos buong rehiyon.
Makalipas ang ilang minute, naitala muli ng USGS, ang magnitude 6.4 na lindol naman alas 10:11 ng umaga oras sa Pilipinas at alas 9:11 ng gabi sa Ecuador.
Sa record ng Geophysical Institute ng Ecuador, may magnitude na 6.2 ang ikalawang pagyanig.
Dahil sa dalawang pagyanig, marami ang naglabasan sa lansangan.
Wala pa namang napaulat na pinsala o may nasugatan sa lindol.
Nagdulot din ng malawakang power interruption sa ilang bahagi ng Esmeraldas province ang nasabing lindol./ Dona D
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.