Escudero: Marami sa 72 bills na ipinasa ng Senado bunga ng hearings

By Jan Escocio December 30, 2024 - 11:26 AM

Escudero: Marami sa 72 bills na ipinasa ng Senado bunga ng hearings
Senate President Francis Escudero. Senate PRIB photo

Ipinagmalaki ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na karamihan sa 72 na panukala na ipinasa ng Senado at naging batas ay bunga ng mga pagdinig ng mga komite.

Ayon kay Escudero, ang 72 na isinabatas na panukala ay mula noong nakaraang Hulyo 25 hanggang sa huling araw ng sesyon noong Disyembre 18, at ito raw ay maitatala sa kasaysayan ng Senado na isa sa mga produktibong sesyon.

Sinabi pa ng senador na ang mga panukalang batas ay makatutulong sa mga programa at plano ng administrasyong Marcos para sa ekonomiya, sobereniya at pag-unlad ng buhay ng bawat Filipino.

Pinuri rin ni Escudero ang mga kapwa senador at mga kawani ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa kanilang dedikasyon at sakripisyo.

Nabanggit niya na sa kabuuan ay nakapagpasa sila ng 108 panukalang batas.

“Nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa ngalan hindi lamang ng ibang empleyado’t senador, kundi sa ngalan ng sambayanan. Alam ko po na marami tayong oras na ginugol at trabahong nagawa para at alang-alang sa ating bansa at mga kababayan. At sana po ito’y hindi makalimutan ng ating mga kababayan,” ani Escudero.

Tiniyak nito na marami pang panukalang batas ang ipapasa ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Enero 6.

TAGS: Sen. Francis Escudero, Sen. Francis Escudero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.