Revilla, Lapid, 8 pang Senate bets ni Marcos pasok sa ‘Magic 12’ – SWS
METRO MANILA, Philippines — Nadomina ng mga kandidato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bumubuo sa “Magic 12” sa hanay ng mga kandidato sa pagka-senador sa eleksyon sa darating na Mayo 2025.
Base sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) ngayon buwan, nangunguna pa rin sa survey si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo (ACT-CIS Party-list) sa nakuha niyang 45%.
Sinundan siya nina:
- Sen. Ramon Revilla Jr.— 33%
- Sens. Pia Cayetano at Christopher Go — 32%
- dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III — 31%
- Ben Tulfo — 30%
- dating Sens. Panfilo Lacson at Manny Pacquiao — 27%
- Willie Revillame — 26%)
- Mayor Abby Binay — 25%)
- Sen. Lito Lapid — 23%)
- Rep. Camille Villar, Sens. Imee Marcos at Bato dela Rosa — 21%
BASAHIN: Binay: Comelec, susuportahan ng Senado sa isyu sa ‘voter’s surge’
Ipinahayag ng SWS na pinipili ang 3,097 respondents ng iboboto nilang 12 mula sa 70 na kandidato sa pagka-senador.
Isinagawa ang survey noong nakaraang ika-12 hanggang ika-18 ng Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.