METRO MANILA, Philippines — Ilang araw mula sa ang bagong taon, inilabas na ng Senado ang expenditure report o ulat ng pinagkagastusan nito sa kabuuan ng 2023 ng 24 na senador.
Gumastos ang Senado ng P3.216 bilyon mula ika-1 ng Enero hanggang sa ika-31 ng Disyembre 2023.
Sakop ng mga naging gastusin ang “extraordinary and miscellaneeous expenses,” mga pagbiyahe, mga benepisyo ng kanilang staff, meetings at conferences, professional at consultancy fees, supplies at materials, pag-upa ng mga sasakyan at kagamitan, at maintenance.
Pinakamalaking nagastos noong 2023 si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na noon ay ang Senate president sa nagastos ng kanyang opisina na mahigit P164 milyon.
BASAHIN: P23-B para sa Senate building? Malî yan – Sen. Nancy Binay
Eto naman ang mga sumunod sa laki ng gastos:
- Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III — P161.949 milyon
- Sen. Joel Villanueva — P154.79 milyon
- Majority Leader Sen. Francis “Tol” Tolentino – P150.26 milyon
- Sen. Ronald “Bato” dela Rosa — P144.45 milyon
Si Senate President Francis “Chiz” Escudero na umupo sa puwesto noong Mayo ay gumastos noong 2023 ng P116 milyon.
Pinakamababa naman si Sen. Mark Villar sa iniulat ng kanyang tanggapan na P96 milyon na gastos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.