Amihan, shear line magpapa-ulan sa Luzon, Visayas ngayong Martes

By Jan Escosio December 24, 2024 - 09:30 AM

PHOTO: Pagasa Weather Update card FOR STORY:
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Makakaranas ng malakas na pag-ulan ngayon sa ilang lalawigan sa Luzon at Visayas ngayong Martes, bisperas ng Araw ng Pasko, ayon sa Philippine Atmospheric, Geological and Astronomical Services Administrastion (Pagasa).

Ang mga pag-ulan ay dahil sa amihan at shear line — o ang biglang pagbabago ng direksyon ng ihip ng hangin, base sa 5 a.m, weather bulletin na inilabas ng Pagasa kanina.

Magiging maulan ngayon sa mga lugar. na ito:

  • Quezon
  • Catanduanes
  • Camarines Norte
  • Northern Samar
  • Aurora
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon
  • Marinduque
  • Romblon
  • Masbate
  • Eastern Samar
  • Samar

Magiging maulap naman na may pag-ulan  sa ibang bahagi ng Calabarzon at Mimaropa dahil sa shear line.

BASAHIN: LPA sa Mindanao naging Tropical Depression Querubin

Samantala, ang pagiging maulap at maaring pag-ulan sa mga lugar na ito dahil sa amihan:

  • Metro Manila
  • Cagayan Valley
  • Cordillera
  • Bulacan
  • Nueva Ecija

Pinag-iingat din ng Pagasa ang mga pasahero ng mga sasakyang pandagat na magiging maalon ang pagbiyahe sa mga dagat na sakop ng Hilagang Luzon at sa silangang bahagi ng Gitna at Timog Luzon dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Wala namang epekto ang nagdaang Tropical Depression Romina (international name Pabuki) sa anumang bahagi ng bansa.

Bukod dito, wala pang binabantayan na low pressure area (LPA) ang Pagasa sa loob at labas ng Pilipinas.

TAGS: Pagasa, Philippine weather, Pagasa, Philippine weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.