Lahar warning sa Mayon at Kanlaon dahil sa Querubin

By Jan Escosio December 18, 2024 - 05:42 PM

PHOTO: Kanlaon eruption FOR STORY: Lahar warning sa Mayon at Kanlaon dahil sa Querubin
Makikita sa larawan na itó, na kuha ni Dollet Demaflies, ang Kanlaon Volcano na nagbubugá ng abó sa pagsabog nitó. Ang kuha na itó ay mulá sa La Castellana sa Negros Occidental noóng ika-3 ng June2024. (Larawan mulá kay Dollet Demaflies na nilathalà ng Agence France-Presse)

METRO MANILA, Philippines —Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagdaloy ng lahar sa mga lugar sa paligid ng Mount Mayon at Mount Kanlaon dahil sa malakas na pag-ulan bunga ng Tropical Depression Querubin.

Base ito sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Miyerkules na magiging malakas ang pag-ulan sa Bicol Region at Negros Island sa mga susunod na araw kayat posible ang pagdaloy ng lahar sa mga daluyan ng tubig sa paligid ng dalawang bulkan.

Bunga nito, nag-abiso ang Phivolcs sa mga komunidad sa paanan ng dalawang bulkan.

BASAHIN: LPA sa Mindanao naging Tropical Depression Querubin

Sa kaso ng Kanlaon, maaring humalo pa sa lahar ang iba pang materyales na ibinuga sa pagsabog nito noong  ika-9 ng Disyembre.

Ang lahar ay maaring dumaloy sa Tamburong Creek sa Biak-na-Bato, Baji-Baji Falls, at Talaptapan Creek sa La Castellana.

Una nang dumaloy ang lahar sa mga komunidad sa paligid ng mga naturang creek noong nakaraang Hunyo.

TAGS: Mount Kanlaon, Mount Mayon, Pagasa, Phivolcs, Mount Kanlaon, Mount Mayon, Pagasa, Phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.