PhilHealth chief tiniyak sa Senado ang expanded benefits

By Jan Escosio December 18, 2024 - 05:25 PM

PHOTO: PhilHealth branch office FOR STORY: PhilHealth chief tiniyak sa Senado ang expanded benefits
PhilHealth branch office —File photo na kuha ni Grig C. Montegrande, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Sa kabila nang walang matatatanggap na subsidiya mula sa gobyerno sa susunod na taon, tiniyak ni Chairman Emmanuel Ledesma Jr. ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) nitong Miyerkules na may sapat na pondo ito para sa mga programa at benepisyo sa mga miyembro nito.

Inamin ni Ledesma sa pagdinig ng Senate health committee, na pinamumunuan ni Sen. Christopher Go, na magagamit ng PhilHealth ang P500 bilyong nitong sobrang pondo sa pagkasa ng kanilang expanded benefits’ packages.

Sa kanyang pagtataya, aabot sa higit P284 bilyon ang kakailanganin para sa pinalawig na mga benepisyo at programa.

BASAHIN: Escudero: Pagbawi sa PhilHealth subsidy wala dapat epekto sa serbisyo

Sa pagdidiin ni Go, inamin na rin ni Ledesma na kung maagang naipatupad ang mga karagdagang benepisyo sa mga miyembro, posible na walang sobra-sobrang pondo ngayon ang PhilHealth.

Kasabay nito, pinuna ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang tila pagtitipid ng PhilHealth sa inaambag sa bayarin ng kanilang miyembro na na-ospital.

Ginawa niyang halimbawa ang ibinibigay na P28,000 na ambag ng Philhealth kahit milyong-milyong piso ang kailangan bayaran sa ospital.

TAGS: PhilHealth benefits, Philippine Health Insurance Corp., PhilHealth benefits, Philippine Health Insurance Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.