LPA sa Mindanao naging Tropical Depression Querubin
METRO MANILA, Philippines— Naging ganap na tropical depression na ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao, at ito’y tinatawag na Querubin.
Base sa 5 p.m. Tropical Cyclone Bulletin #1 na inilabas ng PAGASA, ang sentro ng bagyong Querubin ay namataan kaninang 4:00 p.m. sa distansiyang 215 km silangan-timog silangan ng Davao City.
Mabagal itong kumikilos ito sa direksyon na timog-silangan taglay ang lakas na hangin na 45 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 kph.
BASAHIN: Lapid: Permanent evacuation centers malaking tulong tuwing may kalamidad
Ang lakas ng hangin na taglay nito ay mararamdaman sa hanggang 180 kilometro mula sa gitna.
Inaasahan na kikilos palayo ng Davao Region ang bagyo sa susunod na 12 oras.
Babaybayin nito ang Mindanao at Palawan simula bukas ng hapon hanggang sa hapon ng Linggo, ika-22 ng Disyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.