Lapid: Permanent evacuation centers malaking tulong tuwing may kalamidad
Naniniwala si Senador Lito Lapid na makababawas sa mga alalahanin tuwing may kalamidad ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers sa mga bayan at lungsod sa bansa.
Sinabi ito ng senador matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Ligtas Pinoy Centers Act of 2024 o Republic Act No. 12076. Layon ng batas na magkaroon ng permanenteng evacuation centers ang bawat bayan at lungsod.
Kabilang si Lapid sa mga pangunahing may-akda ng batas at base ito sa kanyang karanasan bilang gobernador ng Pampanga nang pumutok ang bulkang Pinatubo noong dekada ’90.
Nangangahulugan ito na dapat ay may permanenteng ligtas na masisilungan ang mga kailangan lumikas ng kanilang bahay tuwing may kalamidad.
Dagdag pa ni Lapid, madalas na masalanta ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan ang maraming lugar sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.