Bagong military commander itinalaga sa Basilan

By Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor July 11, 2016 - 07:46 AM

Col. Cirilo Donato
Col. Cirilo Donato

Inanunsyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Ricardo Visaya ang pagtatalaga kay Colonel Cirilo Tomas P. Donato bilang bagong commander ng 104th “Sultan” Brigade sa Tabiawan, Isabela City, Basilan.

Pinalitan ni Donato si Col. Rolando Joselito Bautista na ngayon ay commander na ng Presidential Security Group (PSG).

Magkaklase sa Philippine Military Academy Class 1985 sina Bautista at Donato.

Sa isang naunang interview, sinabi ni Bautista na malaki ang kanyang tiwala sa pamumuno at galing ng kanyang mistah na si Donato.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Donato pagkatapos siyang mahirang para sa nasabing posisyon, sinabi nito na hindi lamang military operations laban sa Abu Sayyaf Group ang isinasagawa ng militar sa Basilan kundi sinasabayan din ito ng mga civil military operations upang tulungan ang mga Basilan constituents lalung-lalo na ang mga apektado ng mga kaguluhan sa probinsya.

Sinabi rin nito na patuloy pa rin ang military operations sa Tipo Tipo, Al Barka at Ungkaya Pukan.

Si Donato ay nagsilbing Defense Attaché ng Pilipinas sa ibang bansa bago ito itinalagang deputy commander ng 104th Brigade sa Basilan.

 

 

TAGS: Cirilo Donato, Cirilo Donato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.