Suspek sa pagdukot sa isang guro sa Sulu, pinalaya ng pulisya
Pinalaya ng Sulu PNP ang suspek sa pagdukot kay Rakina Abubakar, dalawampu’t tatlong taong gulang, isang guro na naligtas noong Sabado ng umaga sa isang military checkpoint sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu.
Sakay ng silver-gold Mitsubishi Strada pick-up si Abubakar nang sumigaw ito upang makuha ang atensyon ng mga nagsasagawa ng checkpoint na sundalo sa pamumuno ni 2nd Lieutenant Arvin Clarck Talco ng 41st Infantry Battalion, Philippine Army.
Agad na hinuli ng mga sundalo ang anim na kasama ni Abubakar sa sasakyan na sina Salim Susulan, Laurel Susulan, Basar Susulan, Jipy Susulan at Salma Saudan na pawang mga ka-barangay nito sa Kalingalang Caluang, Sulu, at isang Kamil Dandaih ng Barangay Pitogo ng nasabi ring bayan.
Habang inire-report ng 41st IB ang pangyayari sa pulisya, nakiusap ang biktima na agad tawagan ang kanyang mga magulang upang ipaalam sa kanila ang kanyang sinapit.
Dinala ng mga sundalo ang biktima sa kalapit na 501st brigade para sa isang debriefing.
Ayon kay Abubakar, dinukot siya alas 6:00 ng umaga noong Hunyo 20 habang naglalakad papasok ng Kanlagay Elementary School kung saan siya nagtuturo.
Nilapitan umano siya ng apat na armadong lalaki sa pamumuno ng pangunahing suspek na si Salim Susulan at sapilitang dinala sa barangay hall ng Barangay Kanlagay, Kalingalang Caluang kung saan pinosasan pa ang kanyang kamay at tuluyang ginahasa ni Salim Susulan.
Ayon pa rin sa biktima, itinago siya ni Susulan sa barangay hall ng ilang araw at noong Hunyo 27 ay sapilitan siyang ipinakasal dito sa isang Muslim rites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.