Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa lalawigan ng Zambales
(UPDATE) Nagtaas ng yellow rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Zambales dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan sa lalawigan sa nakalipas na isang oras na inaasahang tatagal sa susunod na dalawang oras.
Sa 10AM advisory ng PAGASA, Southwest Monsoon ang nakapagdudulot ng pag-ulan sa nasabing lalawigan.
Nagbabala din ang PAGASA ng pagbaha sa mga mababang lugar.
Samantala, sa huwalay na abiso, sinabi ng PAGASA na nakararanas ng pag-ulan dahil sa thunderstorm ang Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna at Quezon.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko at ang local disaster risk reduction and management council sa mga apektadong lugar na imonitor ang mga susunod na abiso ng weather bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.