Senator Tolentino humingi ng suporta para sa electric cooperatives
METRO MANILA, Philippines — Makatuwiran na mabuhusan ng suporta ng gobyerno ang mga kooperatiba ng kuryente, ayon kay Sen. Francis Tolentino.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc., noong ika-11 ng Disyembre.
Hindi aniya matatawaran ang paghahatid ng kuryente ng mga kooperatiba sa mga kanayunan.
BASAHIN: Ospital at palengke hatid ni Sen. Francis Tolentino sa Cavite
“Ang pagkakaroon ng access sa kuryente ay isang batayang karapatan at isa sa mga haligi sa paglago ng ekonomiya,” sabi ng senador.
Dinagdag pa niya: “Sa ating pagsisikap na iangat ang antas ng pamumuhay sa kanayunan ay may natatanging papel ang electric cooperatives. Naghahatid sila ng kuryente lalo na sa mga liblib na lugar.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.