Ejercito duda na may sapat na panahon sa ‘oust VP Sara’ move

By Jan Escosio December 04, 2024 - 12:05 PM

Sinabi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na hindi nakatutulong sa bansa ang mga mabibigat na isyung-pulitikal (File photo)

Hindi nakatitiyak si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na may sapat pang panahon ang Kongreso para talakayin ang impeachment complaint laban kay kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa senador, hanggang Disyembre 20 na lang ang sesyon bago ang Christmas break at magbabalik ang mga mambabatas sa Enero 13.

Muling sususpindihin ang sesyon sa Pebrero upang magbigay daan sa midterm elections sa Mayo.

Umaasa si Ejercito na matutuldukan na ang mga awayang-pulitikal dahil hindi raw ito nakatutulong sa bansa.

Sabi pa nito na sa ngayon ay ayaw niya pagtuunan ang mga bangayan dahil nais niyang magtrabaho bilang mambabatas.

At sa halip ay hihintayin na lamang niya ang kahihinatnan ng impeachment complaint laban kay Duterte sa Kamara.

TAGS: impeachment, JV Ejercito, Sara Duterte, impeachment, JV Ejercito, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.