Palasyo hugas-kamay sa impeachment complaint laban kay VP Sara

By Jan Escosio December 03, 2024 - 11:46 AM

Palasyo hugas-kamay sa impeachment complaint laban kay VP Sara
Hugas-kamay ang Malakanyang sa inihaing impeachmemt complaint ng civil society groups laban kay Vice President Sara Duterte. (Inquirer file photo)

Dumistansiya ang Malakanyang sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na malinaw naman na ang reklamo ay inisyatibo ng koalisyon ng mga pribadong grupo at indibiduwal.

“Its endorsement [is] the prerogative of any Member of the House of Representatives,” aniya.

Dagdag pa ni Bersamin: “The Office of the President has nothing to do with it. The President’s earlier statement on the matter is unambiguous.”

Matatandaan na unang nakiusap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mambabatas na huwag nang gumawa ng anumang hakbang para maalis sa posisyon si Duterte sa katuwiran na pag-aaksaya lamang ito ng panahon at hindi makatutulong sa bansa.

Kahapon, inihain ang reklamo at inendorso ito ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña sa Kamara.

Ibinase ito sa maaaring naging paglabag ni Duterte sa Saligang Batas, korapsyon, panunuhol, at betrayal of public trust dahil sa sinasabing maling paggasta niya umano ng pondo ng Office of the Vice President at Department of Education.

TAGS: Palasyo, Sara Duterte, Palasyo, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.