Palace security hinigpitan, bantay ni Marcos dinoble

By Jan Escosio November 25, 2024 - 11:45 AM

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr.
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Dinagdagan ang bilang ng mga tauhan ng Presidential Security Command (PSC) na nagbabantay kay Pangulong Ferdinand ““Bongbong” Marcos Jr.

Kasabay nito, hinigpitan ng husto ang seguridad sa loob at labas ng MalacañANG alinsunod sa kautusan ni PSC commander Brig. Gen. Jesus Nelson Morales.

Ayon kay Maj. Nestor Endozo, ang Civil-Military Relations officer ng PSC, nagkaroon sila ng emergency meeting noong nakaraang Sabado, kaugnay sa naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Marcos.

Naglabas aniya si Morales ng “red alert notice” para sa kanilang mga tauhan.

Nilinaw naman ni Endozo na hindi pa natalakay ang paglimita sa mga aktibidad ni Marcos dahil sa naturang banta.

Hindi pa din aniya naikunsidera ang paglalagay ng bullet-proof na podium sa pagbibigay ng talumpati ni Marcos tuwing may pagtitipon sa labas ng Malacaãng.

Maging ang pagpapasuot ng bullet-proof vest ng pangulo ay hindi pa ipinag-uutos ni Morales.

Aniya, nakadepende kay Marcos kung magsusuot ito ng bullet-proof vest kung irerekomenda ng PSC.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Presidential Security Command, Sara Duterte, Ferdinand Marcos Jr., Presidential Security Command, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.