Villanueva, pito pang senador pabor sa OVP 2025 budget hike

By Jan Escosio November 22, 2024 - 03:10 PM

PHOTO: Joel Villanueva STORY: Villanueva, pito pang senador pabor sa OVP 2025 budget hike
Sen. Joel Villanueva —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Inamin ni Sen. Joel Villanueva na pabor siya na dagdagan ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Ayon kay Villanueva, may pito pang kapwa niya senador ang nais na madagdagan ang naaprubahang P733 milyong pondo para sa opisina ni Vice President Sara Duterte.

Katuwiran ng mga senador, sabi pa ni Villanueva, hindi sapat ang P733 milyon para sa operasyon ng OVP.

BASAHIN: 2025 OVP budget balak pataasin ng ilang senador – Zubiri

Kabilang aniya sa kanilang iniintindi ay ang mga mawawalan ng trabaho sa OVP dahil sa maliit na pondo.

Humingi ng P2.03 bilyong pondo ang OVP para sa 2025 ngunit tinapyasan ito ng husto sa Kamara at sumang-ayon na lamang ang Senado.

Sinabi ni Sen. Grace Poe, ang namumuno sa Senate finance committee, na ilang beses nilang hiningi ang mga dokumento ng mga pinagkagastusan ng OVP ng kanilang pondo ngayon taon ngunit walang naisumite sa kanila.

Nabanggit ni Villanueva na sa kanyang bahagi nais niyang madagdagan ng P150 milyon ang naaprubahang pondo ng OVP.

TAGS: 2025 OVP budget, Joel Villanueva, Office of the Vice President, 2025 OVP budget, Joel Villanueva, Office of the Vice President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.