Revilla naghatid tulong sa mga biktima ng Pepito sa Luzon

By Jan Escosio November 20, 2024 - 03:30 PM

Personal na bumisita at nagbigay ng tulong si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa mga nasalanta ng bagyong Pepito sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya. –Photo mula sa opisina ni Senator Revilla

METRO MANILA, Philippines — Personal na nagpa-abot ng kanyang tulong si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Pepito sa tatlong lalawigan sa Luzon.

Nakapaloob sa kanyang Bayanihan Relief ang mga pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangagailangan ng mga labis na naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Umaasa ang senador na lubos na makakatulong sa mga biktima ang kanyang munting tulong sa mga biktima sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

BASAHIN: Bagyong Pepito lumakas, Signal No. 2 itinaas sa ilang lugar sa Visayas

Pinagbilinan ni Revilla ang mga biktima na mapapabilis ang kanilang pagbangon kung magtutulungan sa pangangailangan ng bawat isa.

“Sa kabila ng sinapit ninyo, nakakalugod na makita pa rin kayo ngayon araw sapagkat nakasiguro akong ligtas kayong lahat at okay ang mga kababayan ko. Basta tandaan niyo, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa,” sabi ng senador.

TAGS: pepito, Ramon Revilla Jr, pepito, Ramon Revilla Jr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.