Villar itinanggi ang paglusob sa kalaban sa 2025 election sa Las Pinas
Itinanggi ni Senator Cynthia Villar na nilusob niya si Las Pinas Councilor Mark Anthony Santos sa loob ng isang simbahan sa lungsod.
Kinumpirma naman ng senadora na kinausap niya si Santos sa loob ng Our Lady of Fatima Parish Church sa Barangay Pamplona.
Aniya pinagsabihan niya ang konsehal na huwag na lamang siyang batiin dahil sinisaraan din lamang nito ang kanyang pamilya.
Bukod dito, nagbabayad din si Santos para sa video na ikakasira ng pamilya Villar.
Sina Villar at Santos ang magkakaharap sa pagka-kongresista ng lungsod sa eleksyon sa susunod na taon.
Naging viral sa social media ang video nang pagharap ng dalawa sa simbahan.
Sinabi pa ni Villar na hindi naman makakaila na labis siyang nagta-trabaho sa Senado kayat hindi siya apektado ng mga lumalabas na viral video na ang layon ay siraan siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.