Regional Hospital bill sa Laguna pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr.

By Jan Escosio November 19, 2024 - 10:41 PM

Sa pagpirma ni Pangulong Marcos Jr., batas na ang RA 12071, na magtatayo ng Level 3 Public Hospital sa Laguna sa pagsusulong ni Laguna Rep. Ruth Hernandez (2nd district). (File photo)
Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukalang pagpapatayo ng isang regional hospital sa Laguna.   Bunga ito nang pagsusumikap ni Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez na isinusulong ang pagkakaroon ng sariling regional hospital ang kanilang lalawigan.   Base sa RA 12071 ang Level 3 General Hospital ay itatayo sa bayan ng Bay.   Sinabi ni Hernandez na patunay lamang ito ng pagbibigay nila ni Gov. Ramil Hernandez ng “Serbisyong Tama” sa mga Lagunense.   Paliwanag lamang din ng mambabatas ang itatayong regional hospital ay maikukumpara sa Philippine General Hospital sa usapin nang pagbibigay ng mga serbisyong medikal at pangkalusugan.   Hindi na aniya kailangan pang bumiyahe ng malayo ang kanilang mga maysakit na kababayan.   Paunang P150 milyon ang ilalaan, sabi pa ni Hernandez, para sa pagpapatayo ng naturang pagamutan.

TAGS: hospital, laguna, hospital, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.