P500 buwanang ayuda sa mga mahihirap na Filipino edad 18 pataas isusulong ni Singson
By Jan Escosio November 19, 2024 - 10:42 PM
Inanunsiyo ni independent senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang isusulong niyang P500 buwanang pensiyon para sa mga Filipino.
Ayon kay Singson ang mabibigyan ng pensiyon ay mga mahihirap na Filipino simula edad 18 pataas. Aniya isa ito sa kanyang magiging “priority bills” kapag nahalal na senador sa eleksyon sa susunod na taon. Paliwanag ni Singson, ito ang ipapalit niya sa kasalukuyang Tulong sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Dagdag niya sa TUPAD ay pinipili lamang ang nagiging benepisaryo at may mga pagkakataon din na bawas pa ang halaga na dapat na ibinibigay. “Basta mahirap edad 18 pataas mabibigyan ng P500 kada buwan,” diin ni Singson.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.