Senatorial aspirant Chavit Singson pinatunayan “Banko ng Masa” sa QC

By Jan Escosio November 15, 2024 - 05:36 PM

Ang isa sa mga nabigyan ni independent senatorial candidate Luis ‘Chavit” Singson sa Barangay San Bartolome, Quezon City. Kasama ang kanyanga anak si Ako Ilokano Ako Party-list Rep. Richelle Singson (pangalawa sa kanan).

Tatlumpung residente ng 5th district ng Quezon City ang maagang nakatikim ng pamasko mula kay independent senatorial aspirant Luis “Chavit” Singson.

Nabigyan ng tig-P10,000 ang 30 residente sa pamamagitan ng online banking mula sa personal na debit-credit card ni Singson.

Ayon kay Singson patunay ito na magagawa niyang bigyan ng personal na debit-credit card ang mga milyong-milyong Filipino na walang bank account.

Nagtungo sa Rockville Subdivision covered si Singson kasama ang anak na si Ako Ilocano Ako Party-list Rep. Richelle Singson sa paanyaya ni Quezon City Coun. Aiko Melendez, na namahagi ng pinansiyal na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development.

Binanggit din ni Singson ang isinusulong na electric vehicles, mula sa jeepney hanggang sa tricycle, sa mas mababang halaga at walang interes, para sa modernisasyon ng public transport system sa bansa.

Nagbigay ang mag-amang Singson ng almusal sa mga dumalo sa pagtitipon sa pamamagitan ng kanilang modernong mobile kitchen.

TAGS: Chavit Singson, Chavit Singson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.