Rice inflation tumaas, kontra sa pangako na bababa – Imee Marcos

By Jan Escosio November 07, 2024 - 01:30 PM

PHOTO: Stock image of rice grains and stalk STORY: Rice inflation tumaas, kontra sa pangako na bababa - Imee Marcos
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines —Taliwas sa ipinangakong matatapyasan ang presyo ng bigas ang nangyayari sa pagpapapababa ng taripa.

Ito ang isinumbat ni Sen. Imee Marcos nitong Miyerkules sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa Senado sa panukalang 2025 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.

Ipinunto ni Marcos na mula sa 5.7 porsiyento umangat pa sa 9.6 porsiyento ang inflation sa bigas at nangyari ito sa kabila nang pagbaba sa 15 porsiyento mula sa 35 porsiyento na taripa sa imported rice.

BASAHIN: Senate bill papayagan DA chief na magdeklara ng rice shortage

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 62 na nagbababa sa taripa sa bigas na ang layunin ay bumaba ang presyo ng butil sa mga merkado.

Hiniling ng senadora ang paliwanag ng mga ekonomista sa gobyerno sa baligtad sa inaasahan na epekto nang pagtapyas sa taripa.

Inamin naman ni Sen. Grace Poe, ang namumuno sa Senate Finance Committee, ang datos na inilatag ni Marcos ngunit aniya ito ay bahid lamang sa tunay na layon ng EO 62.

Pagbabahagi pa ni Poe na ngayon buwan ay isusumite sa Malakanyang ang buong ulat ng epekto ng pagpapatupad ng nabanggit na kautusan ng pangulo.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, rice prices, rice tariffication law, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, rice prices, rice tariffication law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.