Media killings, tututukan ng bubuuing ‘superbody’

By Jay Dones July 11, 2016 - 03:11 AM

 

Inquirer file photo

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communications Secretary Martin Andanar na pangunahanan ang isang multi-agency task force na layong imbestigahan ang serye ng mga pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.

Ayon kay Andanar, inaasahang ilalabas ng Pangulong Duterte ang administrative order ngayong buwang ito na layong simulan ang pagbuo ng isang ‘superbody’ na tututok sa maraming kaso ng mga pagpaslang sa mga mediamen.

Inaasahang lalabas aniya ang kautusan bago ang State of the Nation Addres ni Duterte sa July 25.

Mapapabilang aniya sa bubuuing task force ang mga law enforcement agencies tulad ng NBI at PNP at mga kinatawan ng iba’t-ibang news organizations.

Sa pamamagitan aniya nito, malalaman ang motibo sa likod ng mga media killings.

Magiging daan din aniya ang imbestigasyon upang mabigyan ng tulong at suporta ang mga pamilyang naiwan ng mga napapatay na mamamahayag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.