Ex-President Duterte handang panagutan ang drug war

By Jan Escosio October 28, 2024 - 04:08 PM

PHOTO: Former President Rodrigo Duterte at the Senate hearing on his drug war STORY: Ex-President Duterte handang panagutan ang drug war
Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senado nitong Lunes, Ika-28 ng Oktubre, tunkgol sa kanyang drug war.—Kuha ni Grig C. Montegrande | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Handa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na akuin ang lahat ng responsibilidad sa ikinasang kampaniya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee na pinamumunuan ni Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, dinipensahan ni Duterte ang mga naging hepe ng pambansang pulisya sa anim na taon niyang termino.

Humarap sa pagdinig sina retired Police Generals. Archie Gamboa, Debold Sinas at Vicente Danao, gayundin si dating Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy.

BASAHIN: Rodrigo Duterte isinangkot sa pagpatay sa 3 Chinese drug lords

Pinamunuan nina Gamboa, Sinas at Danao ang PNP at si Cuy at si Danao ay naging director ng Davao City Police gayundin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ikinatuwiran ni Duterte sa kanyang pakiusap sa mga senador na huwag ng idamay ang mga opisyal dahil sumunod lamang ang mga ito sa mga utos.

“I and I alone, take full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. ‘Wag ang pulis na sumunod sa order ko. Kawawa naman, nagtatrabaho lang,” sabi ni Duterte.

Nagpahayag din ng kahandaan si Duterte na dumalo muli sa susunod  na pagdinig kung muli siyang ipapatawag at sasagutin niya ang lahat ng mga itatanong sa kanya.

May mga pagkakataon naman na sa mga pagtatanong sa kanya ay idinahilan ng dating pangulo ang kanyang edad na 73 at aniya may mga sakit na rin siya.

 

TAGS: drug war killings, Rodrigo Duterte, drug war killings, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.