Juan Ponce Enrile, 2 pa absuwelto sa kasong pandarambong

By Jan Escosio October 04, 2024 - 03:05 PM

PHOTO: Juan Ponce Enrile STORY: Juan Ponce Enrile, 2 pa absuwelto sa kasong pandarambong
Chief presidential counsel Juan Ponce Enrile —File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Third Division sina chief presidential legal counsel Juan Ponce Enrile at ang kanyang dating chief of staff na si Gigi Reyes at ang negosyanteng si Janet Lim Napoles sa kasong pandarambong.

Nag-ugat ang kasi sa diumanoy maling paggamit ng P172 milyon sa pork barrel ni Enrile.

Sa 80-pahinang desisyon ng anti-graft court, pinagbigyan ang inihaing motion for demurrer to evidence ng 100-anyos na dating Senate president.

BASAHIN: Janet Lim Napoles, 2 pa abswelto sa graft at malversation cases

Napawalang sala din sina Reyes at Napoles bunga ng kabiguan ng panig ng prosekusyon na magprisinta ng konkretong ebidensya laban sa dalawa.

Sa record ng korte, inakusahan si Napoles nang pagtanggap ng pork barrel fund ni Enrile at diumano binigyan naman niya ang dating senador at si Reyes ng “kickbacks.”

Una nang naabsuwelto sa Sandiganbayan dahil sa diumanoy maling paggamit ng kanilang pork barrel sina Sens. Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr., noong nakaraang Enero at noong 2018.

TAGS: Gigi Reyes, janet lim-napoles, Juan Ponce Enrile, pork barrel scam, Gigi Reyes, janet lim-napoles, Juan Ponce Enrile, pork barrel scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.