“The beauty of a woman is not in a facial mode but the true beauty in a woman is reflected in her soul.” – Audrey Hepburn
Normal na daw na magkaroon tayo ng wrinkle o kulubot sa ating mukha habang tayo ay nagkaka-idad. Pero mayroon namang hindi pa tumatanda, kurdoroy lang ang peg sa feslak.
Marami nga dyan, gumagastos ng libo-libo para lamang ma-alis ang mga wrinkles lalo na sa face, sa neck maging sa kamay. Hello, botox! Alam nyo ba na kahit ng underarms ngayon ay pinapa-botox? Well, that’s a different story.
Maraming factor daw kasi kung bakit agad tayong nagkaka-wrinkle o kulubot. Gaya halimbawa ng sobrang pagka-bilad sa araw lalo na dun sa mapuputi.
Contributors din ang mga pollutants, dehydration at ang stress. (Hmm)
Pero ang hindi natin alam, mayroong mga maling habits na ating ginagawa kaya nagkaka-wrinkles ang balat.
1. Sleeping with make-up – paalala ito lalo sa mga kababaihan, huwag na huwag matutulog ng todo-kolorete o naka-make-up dahil malaki ang epekto nito sa ating balat. Payo ng mga beauty at health experts – kahit gaano ka-pagod o ka-busy o kahit antok na antok – ugaliin na mag-alis ng make-up at maghugas ng face bago matulog.
2. Repetitive facial expressions – mahilig ba kayong mag-make-face? O kaya ay laging naka-simangot. Naku itigil ang ganyang drama sa buhay. Malaking contributor pala ito sa kurduroy sa ating face. Ang scrunching o kaya ay yung nilulukot ang mukha, squinting o yung pag-galaw ng mga muscles sa may mata, frowning o pag-simangot at pouting o yung naka-nguso na mala-Angelina Jolie ay hindi pala nakakabuti sa ating facial muscle at kung palagiang ginagawa ay nagdudulot ng guhit sa mukha.
3. Tummy and side sleeping – dahil mahalaga ang sapat na tulog para sa ating skin, importante ang 6 to 7 hours of quality sleep. Pero kung mahalaga ang tulog, mahalaga ring isipin natin ang sleeping position. Nakakapag-dulot pala ng wrinkles kapag naka-dapa at naka-tagilid sa pag-tulog at nakasubsob ang mukha sa unan. Kahit malambot ang inyong unan, may pressure daw kasi sa collagen at elastin fibers ang pag-subsob sa unan na nakaka-apekto sa skin. Mapapansin daw ito sa baba, sa pisngi at sa noo.
4. Excessive drinking – ang sobrang pag-inom ng alak ay hindi nakakabuti sa ating balat (for that matter, maging sa ating health) dahil pinabibilis nito ang pagtanda lalo na ng ating balat. Sinisira din ng alcohol ang Vitamin A na isang uri ng anti-oxidant. Ang sobrang alcohol din ang nagiging sanhi ng dehydration ng skin o pagka-tuyo ng balat kaya nagiging prone sa maagang pagtanda ng skin.
5. Smoking – hindi lang sanhi ng cancer, heart disease at high blood pressure nagdudulot din ito ng maagang pagtanda ng skin. Kung ikaw ay regular smoker, sinisira din nito ang balat lalo sa may forehead at sa paligid ng labi na kalaunan ay nagiging malalim at visible. Ang usok na galing sa sigarilyo ay nagiging sanhi din ng pagka-irita ng balat. Tandaan natin na hindi lang smokers ang maaaring ma-apektuhan nito kundi maging ang second hand smoker.
Sa mga pag-aaral, hindi lang tuwing summer na-i-stress ang ating balat kundi maging sa tag-ulan lalo na ngayong may habagat na palagi ang pag-ulan. May epekto daw kasi ang humidity sa ating skin kaya mahalagang rehydrated lagi ang balat.
Gaya ng lagi kong sinasabi mahalagang maging positibo sa buhay dahil anumang problem kung positibo natin itong haharapin malalagpasan din yan. Keri lang.
Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat & Sun 11:00-12:00nn)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.