Contempt order para kay Shiela Guo binawi ng Senate panel
METRO MANILA, Philippines — Binawi na ni Sen. Risa Hontiveros ang contempt order laban kay Shiela Guo alias Zhang Meir na kapati ni dating Mayor Alice Guo.
Inanunsiyo ito ni Hontiveros nitong Martes sa pagsisimula ng pagdinig ng pinamumunuan niyang committee on women and children.
Inatasan ng senadora ang Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) na ilipat na si Guo sa kustodiya ng Bureau of Immigration alinsunod sa mission order ng kawanihan.
BASAHIN: Pitong co-accused ni Alice Guo trafficking case sumuko sa NBI
Dumalo din sa pagdinig sa unang pagkakataon si Yang Jian Xin alias Tony Yang at Antonio Maestrado Lim. Si Yang ang nakakatandang kapatid ni Michael Yang, na nagsilbing presidential economic adviser noong administrasyon ni Rodrigo Duterte.
Kamakailan lamang si Tony Yang naaresto ng mga ahente ng Immigration Bureau dahil sa pagiging “undesirable alien.”
Kinompronta ni Hontiveros si Yang ukol sa mga Philippine documents nito gaya ng late birth registration, driver’s license at taxpayer’s identification number (TIN).
Ibinunyag ni Hontiveros na si Yang ang pangulo ng Oro One Corp., isang Philippine offshore gaming operator (POGO) service provider sa Xionwei, na iniuugnay kay Lin Weixion, alias Alan Lim, na sangkot naman sa Pharmally scandal sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.