Quiboloy lilitisin, makukulong muna sa Pilipinas bago sa US – DOJ
METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes na malilitis muna sa Pilipinas si Pastor Apollo Quiboloy at pagsisilbihan ang anumang sentensiya niya bago siya ililipat sa kustodiya ng Estados Unidos.
Naninindigan ang DOJ na bagamat kinikilala ang extradition treaty sa US, kailangan munang harapin ng pastor, na siyang nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), ang mga kasong kriminal na naisampa na sa mga korte sa Davao City at Pasig City.
Naisyuhan ng hiwalay na siya mg mga arrest warrant para sa mga kasong qualified human trafficking, child abuse, at sex abuse.
BASAHIN: Apollo Quiboloy in gov’t custody after long hunt
Sa US, nakasakdal naman siya sa mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud at coercion at sex trafficking of children, conspiracy, at bulk cash smuggling.
Sumuko kahapong Linggo si Quiboloy sa militar matapos lumabas ng kanyang pinagtaguan sa loob ng KJC Compound sa Davao City.
Nakakulong ito sa kasalukuyan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.