Ilang mediamen sabit din sa droga ayon sa tagapagsalita ni Duterte
May ilang miyembro ng media ang sinasabing illegal drugs protector at gumagamit ng droga ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella.
Ang nasabing impormasyon ay nanggaling umano mismo kay Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa panayam, sinabi ni Abella na may intelligence report na hawak ang PNP hingil sa ilang media personalities na nasa likod ng illegal drug trade sa bansa.
Hindi naman matiyak ng kalihim kung kailan ilalabas ng PNP ang nasabing pangalan ng mga media personalities.
Samantala, sinabi ni Abella na bukas ang pamahalaan sa anumang uri ng imbestigasyon kaugnay sa pagpapatupad ng mga illegal drugs operation ng mga alagad ng batas.
Ayon sa kalihim, hindi naman ito nangangahulugan na binubuksan ng pamahalaan ang culture of violence dahil malinaw umano ang utos ng pangulo na puksain ang sindikato ng droga sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.